Sunday, August 3, 2014

Tatak Noypi

Maligayang pagdating sa aking blog! Ito po ang unang blog ko para sa asignaturang Filipino at ngayon, magbibigay ko ako ng komentaryo sa kultura, paniniwala at pagpapahalga sa pagiging mamamayan ng bansang Asya.

Kultura? Maiingay na piyesta, iba't-ibang klase ng lengwahe, at iba't-ibang mga kaugalian na talaga namang kahuhumalingan mo.

Piyesta. Nadyan yung mga bandera na nakasabit sa mga poste, nandyan yung makukulay na damit ng mga mananayaw at nandyan din yung maiingay na tunog ng mga dram at matatakam din ang sikmura mo sa masasarap na mga pagkaing nakahanda. Dito napapakita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino at pakikiisa sa mga aktibidad sa kani-kanilang lungsod. Halimbawa? Kadayawan Festival na pinagdiriwang ng mga Davaoenos. Ito ay tumatagal ng isang linggong pagdiriwang. Ang piyestang ito'y tungkol sa pasasalamat ng mga taga Davao Sa masaganang ani.

Pilipino. Hindi ka matatawag na ganyan kung hindi kulay kayumanggi ang balat mo at kung hindi pango ang ilong mo. Pero higit sa lahat hindi ka matatawag na Pinoy kung lahat ng sinasabi mo ay naiintindihan ng mga Kano. Yan ang kaibahan ng Pinoy. May sariling maipagmamalaking lengwahe. Tagalog, waray-waray, Cebuano, Tausug, Chavacano, Maranao, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan. Ilan lang ang mga ito sa mga kakaibang lengwahe ng Pinoy. Dahil narin siguro sa mga impluwensya ng mga Hapon, Kano at Espanyol kaya nakabuo ng maraming klase ng dialekto.

Pagmamano, paggamit ng 'po' at 'opo', mapagkumbaba, determinado, pursigido,matulungin pakikipagkapwa-tao, masipag at magiliw sa pagtanggap ng bisita. Kaugalian ng mga Pilipino na dapat naman talagang ipagmalaki. Ang pagrespeto sa mga matatanda, ang paglingon sa pinanggalingan kahit anong taas na ng tuktok na iyong narating, ang hindi pagsuko sa pangarap o bagay na hindi pa nakakamit, pakikipagsalamuha sa mga tao at ang nakatataba ng pusong pagtanggap ng Pinoy sa mga bisita. Kahit na anong hirap ang dinadanas, mangungutang talaga sa tindahan para lang may maihanda sa bisita. Yung mga tinatagong mga kumot ni Inay, ilalabas pag andyan si Tita o si Tito, yung pagpapatuloy ng mga taong nangangailangan ng matitirhan. At yung pakikipagbayanihan, pag-aambag ng mga napaglakihang damit at pagbibigay ng donasyon sa mga taong nasunugan o nabahaaan. Yan ang tatak Noypi!
















Hindi naman magpapahuli ang mga Pilipino sa mga hakahaka. Na bawal  daw isukat ang mga damit pangkasal,nabawal daw magkita ang ang magkapareha bago ang kasal, na kapag nakakita ka ng itim na pusa may mangyayaring sayong masama. Na kapag umulan sa araw ng kasal simbolo daw yun ng kaswertehan. At marami pang iba na halos mapuno nalang yung notebook ko kung isususlat ko. Pero wala namang basagan ng trip di ba? Kung naniniwala sila dyan, eh di pabayaan mo kung hindi mo kayang sabayan sila sa kanilang paniniwala. Iba-iba naman tayo ng paniniwala at pananaw sa buhay. Maaaring naniniwala sila dyan dahil sa mga napagdaanan nila sa buhay o kung baga "experiences" nila. Iba-iba naman tayo ng mga napagdaanan, kaya may ib-iba din tayong paniniwala. Period. Iwas-iwas din tayo sa gulo pag may time.


Malaking bagay ang pagpapahalaga ng mga bagay o tradisyon na ito. Ito yung nagiging palatandaan na ikaw, ako, tayo ay Pilipino. Pagpapahalaga sa paraan na tinutuligsa parin ito noon hanggang ngayon, yung hindi parin natin nakakalimutan yung mga turo ni inay, yung mga maliliit na bagay para sa atin pero malaking ambag na pala ito sa lipunan, komunidad at bansa natin. Kaya ito'y dapat paunlarin, palaganapin para may makukuha at magagamit pa ang mga susunod na heneresyon natin at para masabi natin "Ako ay Taas noo kahit Kanino, Dahil ako ay Tatak Noypi."